-- Advertisements --
image 181

Nagpatupad ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa mga produktong karne mula sa Singapore dahil sa outbreak ng African swine fever (ASF) sa naturang bansa.

Sa inisyung memorandum ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ipinagbabawal ang pagpasok ng domestic at wild pigs at mga produktong gaya ng balat at karne ng baboy.

Nakasaad sa naturang memo na hindi accredited ang Singapore na mag-export ng swine-related commodities upang mapigilan ang pagpasok ng anumang mga produktong infected ng ASF na nagmumula sa Singapore.

Sa unang bahagi ngayong buwan, nasa mahigit 50 samples mula sa Carcar city sa Cebu ang nagpositibo sa ASF na unang kaso sa probinsiya.