Ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) na apurahin ang pagbubukas ng mga isinarang warehouse ng National Food Authority (NFA) para masiguro ang patuloy na operasyon ng ahensiya at aktibidad ng pagbili ng palay.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ng DA ang paglilipat ng authority ng sinuspending NFA warehousemen sa kanilang deputies.
Ginawa ng DA ang naturang isyu mataos ang pagkwestyon ni Ombudsman Samuel Martires sa pagsasara ng NFA warehouses sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng kaniyang tanggapan sa umano’y iregularidad sa pagbebenta ng rice buffer stock.
Matatandaan na uan ng sinuspendi ng Ombudsman ang mahigit 100 opisyal at empleyado ng NFA bilang parte ng imbestigasyon nito sa naturang isyu.
Bagamat binawi na ng Ombudsman ang 6 na buwang suspensiyon ng 23 empelyado ng NFA matapos mapatunayang walang kinalaman ang mga ito sa kontrobersiya.
Tiniyak naman ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagbubukas ng arehouses sa lalong madaling panahon para mapabuti ang epekto ng procurement activities ng NFA sa income o kita ng mga magsasaka ng palay gayundin para makapag-secure ng maximum volume ng palay para sa buffer stocking.