-- Advertisements --
BIGAS 2

Doble kayod ang Department of Agriculture (DA) para makamit ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapababa sa P20 ang kada kilo ng bigas sa kaniyang presidential campaign noong nakalipas na taon.

Sa isang statement, sinabi ni DA Assistant Secretary for Operations Arnel De Mesa na nagtutulungan na ang kanilang ahensiya, lokal na pamahalaan at mga magsasaka para mapababa ang presyo ng bigas sa P20 hanggang P25 kada kilo.

Ayon pa sa DA, ang bigas ay ibinibenta sa P25 kada kilo sa Bigasan ng Bayan sa Negros Occidental sa tulong na rin mula sa Federation of Irrigators Association of Central Negros-Bago River Irrigation System.

Nasa kabuuang 10% kasi ng produksiyon ng naturang grupo ng mga magsasaka ang ibinibenta sa most vulnerable sector.

Hindi lamang aniya ila isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga konsyumer kundi maging ng rice producers.