-- Advertisements --
bigas rice palengke

Binigyang diin ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry walang dahilan para mag-panic matapos iulat ng United States Department of Agriculture (USDA) ang Pilipinas bilang nangungunang importer ng bigas sa buong mundo.

Sa pinakahuling ulat ng USDA kasi, inaasahang aabot sa 3.8 milyong metrikong tonelada ang pag-aangkat ng bigas ng Pilipinas sa taong marketing 2023-2024.

Sinabi ni Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban na ang pagtaas ng pagkabahala ay hindi nararapat.

Aniya, ito ay pagtataya lamang ng USDA.

Sinabi ni Panganiban, posibleng tumaas din ang lokal na produksyon ng China na dahilan ng pagbaba ng importasyon ng bigas.

Sa taong ito aniya, inaasahan ng kanilang ahensya na kaunti lamang ang iaangkat na bigas, dahil sa huling quarter, inaasahan nila na sapat ang stocks ng ating bansa.

Kasabay nito, sinabi ni Panganiban na ang pagpayag sa pag-angkat ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law ay nagbibigay din ng kita para sa pagpapaunlad ng industriya ng bigas.