-- Advertisements --

DA,aangkat ng karagdagang suplay ng karneng baboy dahil sa epekto ng ASF outbreak

CAGAYAN DE ORO CITY – Aangkat ng karagdagang 400,000 metriko tonelada ng karneng baboy ang Pilipinas sa loob ng taong ito.

Ito ay matapos mararanasan ng bansa ang nasabing shortage of pork supply epekto ng African Swine Fever (ASF) na tumama na sa halos 40 mga probinsya kung saan pinakahuli ay ang Misamis Oriental at mismong provincial capitol nito na Cagayan de Oro City nitong buwan lamang.

Kompirmasyon ito ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar nang matanong kung gaano na kalala ang epekto ng ASF na unang tumama sa mga probinsya ng Luzon at tumawid sa ilang bahagi ng Eastern Visayas hangggang pumasok sa Mindanao.

Inihayag ni Dar na kailangang aangkat ng karagdagang karneng baboy upang punan ang kakulangan ng suplay dahil sa hindi pa humupa na epekto ng ASF.

Dagdag ng kalihim na aprobado na ng kanilang advisory council at papi-pirmahan na lang ng Pangulong Rodrigo Duterte para maisagawa na ang kaukulang proseso sa pork importation para sa taong ito.

Magugunitang puspusan ang pagsisikap ng gobyerno katuwang ang local government units para ibsan ang paglobo ng bilang ng mga baboy na katayin dahil tinamaan ng impeksyon.

Kung maalala,nasa halos isang libo na baboy na ang isinailalim ng ‘culling operations’ mula sa tig-dalawang barangay ng Misamis Oriental at Cagayan de Oro City na nagtulak ay Dar na personal na puntahan ang Northern Mindanao lalo’t pangatlo ito na pork producing area sa buong bansa.