-- Advertisements --

Lalo pang tumataas ang bilang ng mga cybercrime cases sa buong bansa, dahil sa umanoy kawalang pag-iingat ng mga netizen.

Ito ay batay sa datus ng Philippine National Police mula Enero hanggang sa Hunyo ng taong kasalukuyan.

Sa National Capital Region pa lang, umabot na sa 152% ang pagtaas ng mga cybercrime cases sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.

Sa kabuuan, umabot na sa 6,250 cybercrime cases ang naitala ng PNP sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Ito ay mas mataas kumpara sa 2,477 cases na naitala sa kaparehong period noong nakalipas na taon.

Halos triple ang naitalang online scam sa nabanggit na panahon at umabot sa 4,446 mula sa naitalang1,551 noong nakalipas na taon.

Umangat naman ng hanggang 86% ang naitalang illegal access mula 570 patungong 1,063.

para sa ATM Credit card fraud, domoble ang naitalang 241 noong nakaraang taon at umabot na ito sa 625 cases.

Patuloy naman ang paalala ng Pambansang Pulisya sa publiko na mag-ingat laban sa mga scammers na patuloy na nananamantala.