-- Advertisements --
robo2

Sa pamamagitan ng tinaguriang robotic technology, matagumpay na isinagawa ang cyber-graduation sa Senator Renato Cayetano Memorial Science and Technology High School nitong Biyernes.

Nasa 174 na senior high schol students na kinabibilangan ng 103 babae at 71 lalaki ang umakyat sa stage “virtually” sa tulong ng apat na “cyber grad” robots.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Taguig Supervisor Dr. George Tizon, ang “cyber grad” robots ng nasabing paaralan ay dinisensyo at ginawa ng mga estudyante noong nakaraang taon o kasagsagan pa ng enhanced community quarantine.

Ang mga Taguig Robo Nurse aniya ang siyang nagsilbing “Robo Prof” at tumulong sa pamamahagi ng diploma certificates at medals sa mga graduate.

Habang ang tatlong “dancing robots” ng Taguig na kamakailan lamang ay nanalo ng international award ay nagsagawa ng graduation tribute para sa Batch 2020-2021.

Ang apat naman na robot na ginamit sa cyber-graduation ay pinagana sa pamamagitan ng remote control.

Ang mga toga-wearing robots ang siyang tumanggap ng diplomas para sa mga graduating senior high school students.

Dito ay ipinapakita isa-isa ang larawan ng graduating student sa ulo ng robot kung ang pangalan na nito ang tinawag para umakyat sa stage at makikita din ito sa “LED” screens.

Layunin nito na mabawasan ang pisikal na presensya sa entablado sa gitna ng nagpapatuloy na Coronavirus Disease (COVID) pandemic.

Dagdag pa ng DepEd official, lahat ng paaralan sa siyudad- pampubliko man o pribado ay maaaring ma-avail ang kanilang mga robot para sa graduation activities.

Kaugnay nito, pinuri ni Tizon si Taguig City Mayor Lino Cayetano at Taguig Representative Allan Peter Cayetano sa kanilang suporta sa robotics programs ng lungsod sa nakalipas na 10 taon.

Ang mga ginamit sa paggawa ng robot ay mula sa recycled materials at mga lumang bahagi na ginamit ng siyudad sa nilahukang international and world competitions.

robo5

Samantala, inihayag ni Dr. Tizon na naghahanda na rin ang siyudad para sa posibleng gradual shift to face-to-face classroom learning.

“We are preparing for the next school year’s blended learning. Our preparations include Taguig Flexible Learning Program (TFLEX) or gradual face-to-face classroom learning,” wika ni Dr. Tizon.

Bawat estudyante ay bibigyan ng libreng school supplies, COVID-19 kits at personal protection equipment.

“We are preparing a training package for our teachers and school administrators including parents. Our Learning Management System will be fully utilized,” dagdag pa ni Dr. Tizon.