-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Transporation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dumating na sa Pilipinas ang cutter head na gagamitin para sa kauna-unahang underground railway system sa bansa.

Ayon sa kalihim, sumisimbolo ang pangalan nito sa paglalakbay ng bansa tungo sa kaunlaran.

Ang nasabing cutter head ay may bigat na 74 tonelada, ito rin ang pinaka-malaking bahagi ng TBM para hatiin o durugin ang mga bato o lupa sa pamamagitan ng 36-piece disc cutter nito.

Inaasahan ng ahensya na dadating pa ngayong buwan ang iba pang TBM equipment at materials saka dadalhin ang mga ito sa isang site para doon buuin at susunduan naman ito ng mandatory operational testing.

Kapag natapos na ang testing ay saka lamang ibaba sa ilalim ng lupa ang TBM upang simulan ang partial operability pase ng proyekto na inaasahan namang matatapos sa ikatlong quarter ng taong ito.

Dagdag pa ni Tugade, nangako ang project contractor ng naturang proyekto na makukumpleto nito ang partial operability phase ng proyekto sa Disyembre 2021 o Pebrero 2022.

Ang Metro Manila Subway ang magiging kauna-unahang underground railway system kung saan ang first phase nito ay aaboot ng 34 kilometers mula Valenzuela City hanggang Parañaque City, na magtatapos sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.