Gumaling na mula sa coronavirus disease (COVID-19) ang 32 mula sa 62 empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na nag-positibo sa sakit.

Ayon kay Customs spokesperson Jet Maronilla, sa ngayon may 28 empleyado pa silang active cases o nagpapagaling pa mula sa COVID-19 infection.

“The number of cases is 62, tapos 34 already recovered hence we have 28 active cases,” ani Maronilla.

Ang nasabing 28 active cases ay pawang mga asymptomatic daw.

Tiniyak naman ng opisyal na mahigpit na minomonitor ng kanilang medical division ang mga empleyadong COVID-19 positive.

“Employees with close contacts are being tested by RT-PCR while those with secondary exposure are subjected to rapid testing,” dagdag ng opisyal.

Aabot na sa 1,277 rapid antibody tests at 568 RT-PCR tests na raw ang ginawa ng Customs para sa kanilang mga empleyado.