-- Advertisements --

Malaking hamon ngayon para sa Golden State Warriors ang hindi paglalaro ng kanilang star player na si Stephen Curry dahil sa sprained ligaments sa kanyang kaliwang paa.

Sinabi ng koponan, dahil dito ay hindi nila ito makakasama bago ang playoffs.

Bagamat patuloy ang paggaling nito ay hindi na ito makakapaglaro ngayong regular season.

Ayon naman kay Warriors coach Steve Kerr umaasa siyang makapaglaro rin ito ng kahit na dalawang beses sa regular season.

Mula kasi noong makuha niya ang injury noong Marso 16 laban sa Boston Celtics ay hindi na ito nakabalik.

Kasalukuyan kasi ay nasa pang-apat na puwesto ang Warriors kung saan sinabi ni Kerr na isang pangunahing contributor si Curry sa kanilang koponan.