Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108.
Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi.
Inaasahang dalawa pang games ay magtatagpo muli ang dalawang magkaribal na team.
Sa laro kanina, muli na namang nagpakitang gilas si Stephen Curry na umiskor ng 41 big points na sinuportahan ni Draymond Green na nagtala ng triple double performance gamit ang 10 points, 15 assists at 13 rebounds para sa Warriors (33-32).
Umabot naman sa walong three pointers ang naipasok ni Curry na hindi kinaya ng Pelicans.
Ang New Orleans (29-36) ay nasa pang-11 puwesto kung saan nasayang din ang big game ni Zion Williamson na kumamada ng 32 points.