Matapos na pumanaw si Queen elizabeth II, nagsimula na ang pagbabago sa United Kingdom tulad na lamang sa kanilang national anthem.
Kaninang madaling araw ay tinugtog na ang “God Save the King” bilang pagkilala kay King Charless III.
Sinasabing hindi pa man namamatay ang Queen, nakalatag na ang mga plano sa ilalim ng Operation London Bridge gayundin ang Operation Spring Tide.
Ang pera naman o currency na kilalang pound sterling ay nakabandera ang portrait ng reyna na umaabot sa 4.5 billion ang bank notes.
Pero aabutin pa ng dalawang taon bago mailagay naman ang mukha ni king Charles.
Samantala ang mukha rin ng queen ay naka-feature sa stamps, na sa mga darating na panahon ay papalitan na rin.
Ang mga bandila naman sa buong United Kingdom at mga police stations, government buildings at mga lokasyon ay papalitan doon ang queen’s cypher.
Posibleng magkaroon din daw ng bagong logo at colors lalo na ang queen’s color flag.
Sa kabilang dako, magbabago na rin ang mga pangalan ng mga royal family hindi lamang si Charles.
Tulad na lamang ng kanyang asawa na si Camilla Parker Bowles, ay tatawagin ng Queen Consort.
Sina Prince William at Kate Middleton, na dati ay mga Duke and Duchess of Cambridge ay ang pangalan na ay Duke and Duchess of Cornwall and Cambridge.
Bagamat umalis na sa royal family sina Prince Harry at Meghan Markle malaki pa rin daw ang tiyansa na ang kanilang mga anak na sina Archie at Lilibet, ay mabigyan ng mga titulo bilang prince at princess.