-- Advertisements --

Pinalawig ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang curfew hours sa kanilang lungod matapos na tatlong kaso pa ng mas nakakahawang South African coronavirus variant ang natuklasan doon.

Mula sa dating alas-12:00 ng hating gabi hanggang alas-4:00 ng umaga, ang curfew hours ay pinalawig pa mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga, ayon kay Mayor Edwin Olivarez.

Bukod dito, bumuo rin ang lokal na pamahalaan ng composite team ng policemen at barangay officers sa bawat parangay para matiyak na sumusunod ang mga residente sa minimum health protocols at para sitahin at panagutin ang mga lumalabag.

Si Olivarez ang chairman ng Metro Manila Council (MMC), na nakatakdang mag-convene ngayong araw ng Miyerkules para talakayin ang proposal ng Department of Interior and Local Government sa proposal na uniform extended curfew.

Ayon kay Olivarez, kailangan ng Metro Manila governments na magkaroon ng uniform curfew dahil ang mga lugar na ito ay “inter-connected.”