-- Advertisements --

Naging matagumpay ang professional debut ni Cuban Olympic gold medalist Andy Cruz.

Tinalo nito sa pamamagitan ng unanimous decision si Mexican boxer Juan Carlos Burgos sa kanilang 10 rounds sa Masonic Temple in Detroit, Michigan.

Sa unang round ay agad na nagpakitang gilas si Cruz kung saan ipinamalas niya ang kaniyang bilis at lakas.

Bukod sa kaniyang gold medal noong Tokyo Games 2021 ay naging three-time amateur world champion.

Dahil sa pagkatalo ay mayroon ng 35 panalo at siyam na talo na mayroong tatlong draws at 21 knockouts si Burgos.