Tatanggalin na simula ngayong Lunes ang cross-border travel restrictions sa ilang bansa na myembro ng European Union matapos itong ipatupad simula noong Marso.
Una nang inirekomenda ng Europeam Commision ang pagpapaluwag sa mga patakaran bago ang summer holiday para muling isulong ang turismo ng mga bansa.
Simula ngayong araw ay papayagan na ng France ang arrival ng mga byahero na magmumula sa mga EU countries.
Sa Martes naman ay tatanggalin na ng Germany ang travel ban sa mga karatig nitong bansa.
Sa kabila naman ng naturang hakbang ay may mga bansa pa rin na hindi nagpapakampante. Bawat turista na papasok ng Greece at manggagaling ng Italy at Spain ay kakailanganin munang sumailalim sa PCR testing.
Noong Hunyo 3 ay binuksan na ng Italy ang border nito subalit kakaunti pa lamang ang bumibisita sa bansa dahil limitado pa lamang ang flights dito.