-- Advertisements --

Nakuha ng Croatia ang third-place ng FIFA World Cup 2022 matapos talunin ang Morocco 2-1.

Unang naipasok ni Josko Gvardio ang goal sa loob ng pitong minuto sa laro na ginanap sa Al Khalifa Stadium.

Matapos ang dalawang minuto ay nakaganti ang Morocco sa pamamagitan ni Achraf Dari.

Naging matindi ang depensahan ng dalawang koponan kung saan matapos ang 42 minuto ay pasok na ang panibagong goal mula kay Mislav Orsiic para makuha ng Croatia ang kalamangan 2-1.

Hanggang matapos ang first half ng laban ay hindi na naitabla pa ng Morocco ang puntos.

Naging matindi pa ang depensahan ng dalawang koponan sa pagpasok ng second quarter at hindi na binitawan pa ng Croatia ang kalamangan hanggang maubos ang oras.

Kahit na talo ay labis pa rin na nagagalak ang Morocco dahil sila lamang ang unang African country na umabot sa semi-finals ng World Cup.