NAGA CITY – Kulungan ang bagsak ng isang umanong miyembro ng criminal gang sa Camarines Sur matapos mahuli sa operasyon ng pulisya sa Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Maj. Romel Labalan, provincial officer ng Criminal Investigation and Detection Group-Camarines Sur na agad nilang minanmanan ang naarestong si Dario “Kalbo” Galon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil pagbebenta umano ng armas ng kinabibilangan nitong grupo na Camacho criminal group.

Nakumpiska mula rito ang isang calibre-.38 revolver at buy bust money.

Sa ngayon inaalam na raw ng otoridad kung sangkot din sa iba pang krimen ang grupo bukod sa pagbebenta ng armas.