Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 10 porsiyento ang crime volume sa buong bansa.
Batay sa records mula sa Directorate for Investigation and Detective Management, pumalo sa 38,284 ang kabuuang krimen na naitala noong May 2019 kompara sa 42,527 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa datos din ng PNP, 22.6% ang naging pagbaba ng index crimes gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carjacking ng motor vehicle na mula 7,421 noong May 2018 ay 5,744 na lamang nitong May 2019.
Habang 7.3 percent naman ang ibinaba sa non-index crimes kagaya ng reckless imprudence resulting in homicide at physical injury and damage to property.
Dahil dito, pinapurihan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang PNP kasabay ng habilin na dapat ay panatilihin ang pagiging masigasig sa pagpapatupad ng batas.