-- Advertisements --

Nakahinga na umano ng maluwag si Sen. “Bong” Revilla Jr., ngayong opisyal nang natapos ang kanyang quarantine.

Ayon sa 53-year-old actor, namis nitong makasabay sa hapunan ang kanyang pamilya dahil ilang linggong sumailalim sa isolation.

Nagpositibo kasi sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at tinamaan din ng pneumonia ang anak ng namayapang “Agimat” star.

Nagpapasalamat aniya siya sa Diyos at sa mga doktor na nag-abiso sa kanya na maaari nang makasama ang pamilya.

Nitong Agosto 25 nang sa bahay na lamang nito ipinagpatuloy ang pagpapagaling, halos 10 araw mula nang aminin na siya ay positibo sa deadly COVID-19.