Tiniyak ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na patuloy pa rin silang nakaalerto, kahit niluwagan na ang restrictions sa Metro Manila.
Ito’y makaraang muling umabot sa mahigit 100 ang bilang ng pasyenteng may COVID-19 na naka-confine naturang ospital.
Batay sa panibagong record, nasa 107 na ang bilang ng mga ipinasok na pasyente sa pagamutan na positibo sa deadly virus.
Mas mataas ito kumpara sa 90 cases lamang noong nakaraang linggo.
Nasa 1,673 naman ang nasawi habang 5,502 ang gumaling mula sa mga na-admit na COVID patients.
Sa kabuuan, 7,322 ang bilang ng pasyenteng may COVID sa naturang ospital mula pa noong Pebrero 2020, kung kailan unang nakapagtala ng hawaan sa ating bansa.
Ang PGH ay itinalagang pangunahing COVID referral hospital sa Pilipinas.