-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nasa Iloilo na ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Fully Automated Nucleic Acid Extraction Machine na kaya makabasa ng halos 1,000 Polymerase Reaction Test swab samples.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na malaki ang magiging tulong ng nasabing makina para mas palawakin pa ang testing capacity ng Western Visayas Medical Center.
Ayon kay Defensor, nagsimula na rin ang procurement process ng Provincial Government sa makina na ilalagay sa Iloilo Provincial Hospital.
Napag-alaman na binabalangkas na rin ng Iloilo Provincial Government ang pag-convert sa Iloilo Provincial Hospital bilang laboratory testing facility ng COVID-19 at iba pang sakit