-- Advertisements --

Halos 5,000 ang panibagong naidagdag ngayon na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) nasa 4,973 ang karagdagang kaso na dinapuan ng virus sa nakalipas na 24-oras.

Mas mataas ito nitong nakalipas na Linggo na mahigit sa 3,000.

Dahil dito ang kumpirmadong kabuuang mga kinapitan ng coronavirus sa Pilipinas ay nasa 1,184,706 na mula noong nakaraang taon.

Ang mga aktibong kaso naman ngayon sa bansa ay bahagyang bumaba sa 48,917 matapos makapagtala ng panibagong maraming gumaling na umaabot sa 6,666.

Sa kabila nito meron namang 39 na bilang na mga bagong namatay.

Ang death toll sa Pilipinas bunsod ng deadly virus ay umakyat pa sa 19,983.

Nilinaw naman ng DOH na mayroong anim na mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“21 duplicates were removed from the total case count. Of these, 18 are recoveries. In addition, 58 cases were deactivated after being tagged by their RESUs/CESUs as being duplicates. Of these, 50 are recoveries and 7 are deaths,” bahagi ng DOH advisory. “Moreover, 18 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”