-- Advertisements --
CDC COVID

Umaabot na sa 27 mga estado sa Amerika ang nakapagtala nang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Mula ito sa dating 22 estado nitong nakalipas na araw.

Kinumpirma naman ng mga state health departments na umaabot sa 39,327 new coronavirus infections ang naitala sa nakalipas na 24 oras kung saan nalampasan pa ang record noong nakaraang araw na 38,115.

Sinasabing kabilang sa araw-araw na tumataas ang bilang ng mga nahahawa sa COVID-19 ay ang Texas, Alabama, Missouri at Nevada.

Samantala tumaas din ang bilang ng mga namatay sa loob ng isang araw na umabot sa 2,500.

Ang New Jersey ay may 1,854 probable deaths na sa kanilang overall tally.

Ang Texas ay may 5,996 new coronavirus cases habang may panibago ring 47 deaths na siyang pinakamarami mula May 20.

Sa ngayon ang Amerika ay meron ng 2.5 million na mahigit na kaso ng COVID-19.

Ang mga namatay naman ay mahigit na sa 126,000.

Una nang sinabi ng ilang experts na ang maagang pagluluwag sa Amerika ang dahilan sa walang tigil na paglobo ng mga nahahawa sa deadly virus.

cdc cases