Inanunsyo ng pharmaceutical company na Moderna na ang kanilang COVID-19 vaccine ay nakapag-produce ng virus-neutralizing antibodies sa mga laboratory tests na isinagawa laban sa bagong variant ng coronavirus na natuklasan sa United Kingdom at South Africa.
Ayon sa kompanya, ang dalawang dose ng kanilang COVID-19 vaccine ay inaasahang na makakapagbigay nang proteksyon sa mga lumutang na bagong strains ng virus kamakailan.
Pero, sinabi ng Moderna na magsasagawa pa sila ng test sa vaccine booster kontra South African variant sa pre-clinical trials para malaman kung magiging mas epektibo pa ito sa pag-boost o pagpapalakas ng antibodies kontra sa naturang strain at iba pang variants na posibleng lumutang sa hinaharap.
Bagama’t lahat naman ng mga virus ay nagmu-mutate, nababahala ang mga scientists sa mutations na natuklasan sa Britain at South Africa dahil sinasabing may kakayahan ito na baguhin ang key functions ng virus. (Reuters)