Posible umanong ilabas sa susunod na linggo ang magiging pasya kung itutuloy pa ba o hindi ang prestihiyosong Wimbledon Cup.

Ayon sa All English Club, magpupulong sa susunod na linggo ang mga miyembro ng club kung ipagpapaliban o tuluyan nang kakanselahin ang event, na naka-schedule sa London mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 12, dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ikinokonsidera rin umano nila ang lahat ng maaaring mangyari, lalo pa’t marami nang nakanselang sporting event bunsod COVID-19 outbreak.

“The AELTC can confirm that it is continuing a detailed evaluation of all scenarios for The Championships 2020, including postponement and cancelation, as a result of the COVID-19 outbreak,” saad sa pahayag.

“An emergency meeting of the AELTC Main Board is scheduled for next week, and in preparation we are communicating closely with the LTA, and with the ATP, WTA, ITF and the other Grand Slams.”

Una nang ipinagpaliban ang French Open dahil sa virus, at ni-reschedule na lamang sa Setyembre 20 hanggang Oktubre 4, mula sa orihinal na petsa na Mayo.