-- Advertisements --
image 22

Nilinaw ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na nananatiling kontrolado pa rin ang COVID-19 situation sa China sa kabila ng mga ulat na paglobo ng mga kaso sa nakalipas na linggo.

Naniniwala ang envoy na naabot na ang peak ng bilang ng covid-19 cases sa nasabing bansa dahil unti-unti ng bumabalik sa normal ang sitwasyon doon.

Sa kabila nito, hindi pa rin isinasantabi ang pangamba na mahawaan ng virus kayat kailangan pa rin aniya na mag-ingat. Inaabisuhan pa rin aniya ang mga mamamayan doon na magsuot ng facemask at kapag may nararamdamang sintomas ay pinapayuhang manatili na lamang sa bahay at hindi na kailangang magtungo sa pagamutan maliban na lamang kung malubha ang nararamdamang sintomas.

Base din sa reports mula sa nasabing bansa, nakakaranas ng mataas na demand ang mga funeral homes sa China para sa kanilang serbisyo at sa pagtaya ng international health experts, tinatayang aabot sa 1 million deaths sa China ngayong taon bunsod ng covid-19.

Nakahanda naman ang pamahalaan na tulungan ang nasa 14,000 miyembro ng Filipino community na nasa China sakaling mangailangan ang mga ito ng assistance.

Una rito, ilang mga bansa na rin ang nagpatupad covid-19 testing requirements sa mga pasaherong galing China gaya ng United States, United kingdom, Italy, France, Spain, Australia, Canada, Japan, South korea, India , Malaysia, Israel, Qatar at Morocco.

Subalit dito sa Piipinas, una na ring sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi kailangan ng restriksiyon sa mga Chinese na bibisita sa bansa at kumpiyansa na sapat ang mga umiiral na health protocls at karamihan ng ating populasyon ay fully vaccinated kontra covid-19.