Pumalo na ngayon sa 20, 691 ang mga pasyenteng gumaling mula sa sakit na coronavirus disease(COVID-19) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, Nov. 12
Sa 23, 015 na kabuuang bilang ng kaso sa rehiyon, 1,369 nito ang naitalang namatay.
Samantala, umabot na sa 9,483 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Cebu City habang 682 na ang mga namatay.
Sampung panibagong kaso naman ang naidagdag kahapon dahilan na nasa 10, 361 na ang total cases nitong lungsod kung saan nasa 196
ang natitirang aktibo nito..
Maliban pa, 38 na lang ang active cases sa Mandaue City ; 71 sa Lapu-lapu City; Probinsiya ng Cebu, 266; Negros Oriental, 289; Bohol, 94; at
1 sa Siquijor.
Sa ngayon, nasa 955 na lang ang aktibong kaso ng rehiyon 7.