-- Advertisements --
image 106

Tumaas ang naitatalang covid-19 positivity rate kada linggo o porsyento ng nagpopositibo sa virus sa bawat nasusuring indibidwal sa National Capital region.

Ayon sa monitoring ng OCTA Reseach Group, umakyat ito ng hanggang 14.55 noong Setyembre 14 mula sa dating 12.75 na naitala noong Setyembre 7.

Sinabi din OCTA na may posibilidad na malagpasan nito ang nagdaang peak ng dinadapuan ng virus sa rehiyon noong nakalipas na Agosto 5 na nasa 17.5%.

Samantala, nakitaan din ng pagtaas ang health care utilization rate sa 39% mula sa dating 36% gayundin sa okupadong intensive care unit na nasa 33% ngayon mula sa dating 24%.

Ang one week growth rate sa mga covid-19 cases sa rehhiyon ay nasa 18%, habang ang reproduction number ay tumaas mula sa 1.03 ngayin nasa 1.14.