-- Advertisements --
covid 19

Umakyat sa 26% ang COVID19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group.

Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9%

Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity rate naman ay nasa 24.1%, batay ng Department of Health na kung saan mayroong 2,014 na bagong kaso ng nakamamatay na sakit.

Kung matatandaan, ang nationwide COVID-19 positivity rate noong nakaraang araw ay nasa 23.8 percent lamang.

Una na rito, ang COVID-19 tracker ng DOH ay nagpahiwatig na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 4,121,513.

Kasama sa bilang na ito ang 16,504 na aktibong kaso, 4,038,573 ang nakarekober, at 66,453 na mga nasawi sa naturang virus.