-- Advertisements --
image 388

Ptuloy na nasa upward trend ang 7-day COVID-19 positivity rate sa Metro Manila mula 2.1% hanggang 3% sa pagitan ng Marso 8 at Marso 15 ayon sa OCTA Research Group.

Ipinunto ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na inaasahang magpapatuloy pa ang upward trend ng positivity rate o bilang ng nagpopositibo sa virus mula sa mga nasuring indibidwal subalit hindi na katulad ng lebel noong nakalipas na taon.

Sa kabila ng pagtaas, ang 3% positivity rate ay nananatiling mababa pa rin sa 5% benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Nauna ng inihayag ng WHO na umaasa ito na maaalis na ang global health emergency declaration sa covid-19 ngayong taon o mahigit tatlong taon na ang nakakalipas mula ng tumama ang pandemiya.