-- Advertisements --
omicron2

Bumababa ang Covid-19 positivity rate sa National Capital Region sa nakalipas na linggo sa kabila ng mga ulat na marami ang nagpositibo sa nasabing virus.

Inihayag ni OCTA fellow Guido David na bumaba sa 15 percent mula sa 17.9 percent ang positivity rate sa National Capital Region mula October 8 hanggang 15.

Samantala, hindi bababa sa pitong probinsya sa buong bansa ang nag-ulat naman ng “napakataas” na positivity rate na higit sa 20 percent.

Ito ay kinabibilangan ng Camarines Sur with 46.2 percent, Tarlac 41.6 percent , South Cotabato 26.9 percent, Cavite 22.8 percent, Rizal 22.1 percent at Laguna 21 percent.

Nauna nang nagbabala si David tungkol sa posibilidad ng isa pang pagtaas sa mga kaso, na binanggit ang mga bagong subvariant ng Omicron na nakita sa ibang mga bansa.

Kinumpirma ng Department of Health ang pagkakaroon ng highly transmissible XBB subvariant sa dalawang rehiyon pati na rin ang XBC subvariant sa 11 rehiyon.