Nabawasan ang bilang ng mga COVID-19 patients sa Philippine General Hospital (PGH) kumpara sa nakalipas na dalawang linggo, ayon sa kanilang tagapagsalita na si Dr. Jonas Del Rosario.
Ayon kay Del Rosario, sa ngayon ay mayroong 237 confirmed patients na umuukupa sa 325 COVID-19 beds nila, mas mababa kumpara sa 255 patients na nasa ilalim ng pangangalaga ng ospital dalawang linggo ang nakalipas.
Isa rin aniya sa mandang pangyayari sa ngayon ay maiksi na ang pila ng mga pasyente sa emergency room.
Pero dahil sa mataas naman pa rin ang kanilang occupancy rate sa kanilang intensive care unit beds, sinabi ni Del Rosario na ang maaring mas mahaba pa rin ang paghihintay ang kakailanganin ng mga nakakaranas ng severe COVID-19 case o iyong mga nasa critical ang kondisyon.
Gayunman, umaasa si Del Rosario na sa mga susunod na araw ay mas bababa pa ang bilang ng kanilang pasyente na nakakaranas ng COVID-19.