Patuloy na sinisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang na mapauwi ang 4,600 Pilipino sa ibang bansa sa mga susunod na linggo dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, sinabi nito na nakikipag-ugnayan ang DFA sa iba’t ibang Foreign Service Posts para sa repatriation ng mga kababan sa susunod na dalawang linggo.
“The DFA has maintained its close links with the World Health Organization (WHO) and foreign governments to ensure timely exchange of critial information, such as status of Filipino nationals affected by COVID-19 pandemic, provision of the necessary assistance and facilitation of their safe repatriation,” bahagi ng report ng Pangulo.
Sa ngayon, sinabi ni Duterte na aabot na sa 1,806 Pilipino ang natulungan ng DFA na makauwi ng bansa dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Magugunita na Marso 23 nang mag-convene ang Kongreso sa isang special session para aprubahan ang Bayanihan to Heal as One Act.
Bukod sa pagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Duterte para maresolba ang epekto ng COVID-19, nakasaad din dito na kailangan mag-report ng Pangulo sa Kongreso patungkol sa mga hakbang ginagawa ng pamahalaan sa gitna ng kinakaharap na public health crisis.