-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Pinoproblema ngayon ng ilang OFWs sa Romania ang kawalan ng perang ipapadala para sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Maricor Tomas, sinabi nito na kabilang silang mga OFWs sa Romania sa mga apektado ng umiiral na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Marami kasi aniya sa mga OFWs sa kanilang bansa ang nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsara at tigil operasyon ng mga establisiyemento at negosyo bunsod ng nararanansang public health crisis.
Bagama’t walang maipadalang pera sa kanilang mga kaanak, sinabi ni Tomas na umaasa na lang din silang mga OFWs sa Romania sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapaabot ng ayuda sa kanilang pamilya.