-- Advertisements --

Tila bumabagal na ang COVID-19 case growth sa Metro Manila base sa latest monitoring ng independent research group na OCTA.

Sa isang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang National Capital Region (NCR) ay mayroong average na 5,710 daily cases mula Setyembre 10 hanggang 16, o tatlong porsiyento na mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo o mula Setyembre 3 hanggang 9.

Ang reproduction number naman ay nasa 1.25, mas mababa kumpara sa dating 1.28.

Samantala, ang positivity rate naman ay nananatili sa 25 percent.

Nauna nang sinabi ng OCTA Research na ang NCR ay mayroong average 5,819 daily COVID-19 cases mula Setyembre 9 hanggang 15, na may growth rate na 9 percent.