-- Advertisements --

Dahil sa kakulangan sa supply ng face mask sa bansa sa gitna ng kinakaharap na krisis bunsod ng COVID-19, gagawa ang Philippine Textile Research Institute (PTRI) ng Department of Science and Technology (DOST) ng 500,000 piraso ng reusable face mask.

Sa Facebook post ni DOST Secretary Fortunato de la Peña, inanunsyo nito na maaring gamitin ng hanggang 50 beses ang gagawing face mask ng DOST-PTRI katuwang ang Taytay local government unit at private sector.

Sariling textile-coating technology ng PTRI ang gagamitin aniya para sa treatment at finishing ng mga ilalabas nilang face masks.

Magiging water repellent aniya ito para sa karagadagang proteksyon kontra viruses at bacterial na kadalasang nakakalat sa pamamagitan ng water droplets.