KALIBO CITY – Aabot na sa 62 ang bilang ng mga indibidwal na namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa Aklan.
Kasunod ito ng pagkamatay ng lima pang indibidwal nitong Biyernes, June 4.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon ng Aklan Provincial Health Office, kabilang sa mga namatay kahapon ang isang 84-anyos na lola mula sa bayan ng Banga.
Binawian din ng buhay ang isang 75-anyos na lalaki na mula sa bayan ng Numancia; na sinundan naman ng pagkamatay ng isang 50-year old na taga-Ibajay, at isang 45-anyos ding lalaki. Oras lang ang pagitan ng pagkamatay ng mga indibidwal.
Pasado alas-10:00 naman ng gabi nang mamatay rin ang isang 57-anyos na lalaki.
Kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing ang mga otoridad sa mga taong nakasalamuha ng mga namatay na pasyente.
Nasa 344 pa ang active cases ng COVID-19 sa probinsya, kabilang na rdito ang 48 na bagong nadagdag.
Patuloy na nagpaalala ang mga otoridad na panatilihin ang pagsunod sa mga health protocols tulad ng pagsuot ng face mask at face shield, paghugas ng kamay, at social distancing. -CJY