-- Advertisements --

Sumampa na sa 33 ang binawian ng buhay sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa Coronavirus Disease (COVID) infection.

Pinakabagong pumanaw ang isa pang Police Commissioned Officer (PCO) nitong Biyernes, March 12.

Ayon kay Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang nasawing PCO ay 54-anyos na lalaking pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing PCO ay acute respiratory failure, secondary to pneumonia high risk.

Sa datos ng PNP Health Service, nakapagtala ng 99 na bagong kaso ng virus kaya lumobo na ito sa 12,172 bilang kabuuang kaso.

Nasa 35 bagong kaso ay mula sa National Support Unit, 22 sa NCRPO, 16 sa Central Luzon, 10 sa National Headquarters, lima sa Central Visayas, tig-tatlo sa National Administrative Support, Calabarzon at Northern Mindanao, habang tig-isa sa Caraga, Cordillera Administrative Region.

Mula sa kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus, aabot sa 846 ang active cases.
Nasa 11,280 ang naitalang total recoveries sa hanay ng PNP.