-- Advertisements --
CEBU CITY – Umabot na sa 595 ang kabuuang bilang ng mga confirmed cases ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Cebu matapos na madagdagan ito ng 73 kaso.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-7, nangunguna ang lungsod ng Cebu sa may pinakamaraming confirmed COVID-19 cases sa 574.
Sinabi ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na mula sa Sitio Callejon, Brgy. Labangon ang karamihan sa mga naitalang bagong kaso.
Nananatili naman sa 32 ang bilang ng COVID-19 cases sa Lapu-Lapu City at 11 naman mula sa Mandaue City.
Sa kabila ng mataas na bilang ng mga nagpositibo sa nakakamatay na sakit sa Central Visayas, umakyat naman sa 29 ang gumaling dito, at 11 naman ang namatay.