-- Advertisements --
MANILA – Aabot na sa 21,856 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa pinakabagong report ng PNP Health Service, nadagdagan ng 123 na bagong kaso ng COVID-19 ang kanilang total case tally.
Sa kabila nito, nadagdagan ng 123 ang numero ng mga bagong gumaling. Ang total recoveries ngayon sa PNP ay nasa 20,372.
Wala namang naitalang bagong namatay, at nananatili sa 60 ang kanilang total COVID-19 deaths.
Sa ngayon may 1,424 pa na active cases o PNP staff na hindi pa gumagaling sa sakit.
Nitong araw nang pumalo sa 1,143,963 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, matapos madagdagan ng 5,790 new cases.