-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 1,407 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng pandemic na COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa report ng Department of Health (DOH), umaabot na sa 402,820 ang total ng coronavirus cases mula noong Enero.

“17 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on November 11, 2020.”

Ang Davao City ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa 214 newly-announced cases. Sinundan ng Eastern Samar, Rizal, Cavite at Quezon province.

Samantala ang mga nagpapagaling ay nasa 32,682 pa. Ang mga recoveries naman ay umaabot na sa 362,417 dahil sa 211 na nadagdag na gumaling.

Habang 11 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 7,721 na.

“3 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 were recovered cases. Moreover, 8 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths”