
Patuloy pang namamayagpag ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong Southeast Asia.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,561 na mga bagong kaso ng sakit, kaya umakyat pa ang total cases ng ating bansa sa 119,460.
Mas mataas pa rin ang bilang ng COVID-19 cases ng Pilipinas kumpara sa Indonesia na may halos 117,000 total confirmed cases as of August 5.
Batay sa data ng DOH, galing sa submission ng 89 mula sa 98 laboratoryo ang higit 3,000 kaso na kanilang inireport ngayong araw.
Ang higit 2,700 sa mga ito ay naitala sa nakalipas na 14 na araw. Samantalang ang ilan ay nag-positibo noon pang Mayo at Hunyo. May mga kasama rin sa report na nagpositibo noong Marso at Abril.
“Of the 3,561 reported cases today, 2,740 (77%) occurred within the recent 14 days (July 24-August 6, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were from NCR (1,480 or 54%), Region 4A (435 or 16%) and Region 7 (218 or 8%).”
Nasa higit 50,000 pa ang active cases o mga nagpapagaling na pasyente ng sakit. Malaking porsyento sa mga ito ang mild at asymptomatic.
Samantala, 569 na mga bagong gumaling ang naitala kaya ang total ay nasa 66,837. Ang total deaths nasa 2,150 dahil sa 28 na bagong iniulat na namatay.
“Of the 3,561 reported cases today, 2,740 (77%) occurred within the recent 14 days (July 24-August 6, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were from NCR (1,480 or 54%), Region 4A (435 or 16%) and Region 7 (218 or 8%).”
Paliwanag ng ahensya, 81 duplicates ang tinanggal mula sa total case count.
Kabilang dito ang dalawang iniulat na gumaling, at isang death cases na naisama na sa total recoveries.
















