Umakyat na sa 469,005 ang bilang ng coronavirus diseas 2019 (COVID-19) cases sa Pilipinas nitong araw.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay matapos na maitala ang 1,406 na panibagong COVID-19 cases, hindi pa kasama rito ang datos mula sa walong laboratoryo na bigong makapagsumite on time.
Base sa latest bulletin ng DOH, ang Bulacan ang siyang may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa 100, na sinundan ng Quezon City na may 98, Rizal na may 88, Laguna na may 73, at Batangas na may 69.
Inanunsyo rin ng DOH na 266 pang pasiyente ang naka-recover sa sakit, kaya umakyat na rin sa 431,055 ang kabuaang bilang ng mga gumaling, habang lima naman ang nadagdag sa fatalities kaya ang death toll ngayon ay 9,067.
Dalawang duplicate cases naman ang inalis mula sa total case count, habang isa sa dating ikinonsidera bilang recovered patient ay na-reclassify sa death tally.
Samantala, sa natitirang 28m883 active cases na nagpapagaling pa o nasa quarantine, 82.5 percent ang mild, 9.9 percent ang asymptomatic, 2.5 percent ang severe, at 4.8 percent ang nasa critical condition.
Natukoy din sa datos ng DOH na 66 percent nang intensive care unit beds sa bansa ang available sa ngayon habang 83 percent naman ng mga mechanical ventilators ang puwedeng gamitin.










