-- Advertisements --

Posibleng naabot na ang peak ng COVID-19 cases sa Metro Manila at Iloilo ayon sa independent analytics group na OCTA Research.

Ito ay dahil sa nakitang pagbaba ng covid-19 growth rate sa Metro Manila na nasa 1% mula sa naitalang 5% noong August 9 gayundin nakitaan ng pagbaba sa growth rate ng covid19 sa Iloilo ayon kay OCTA Research fellow Guido David.

Habang ang iba pang rehiyon sa bansa ay tumataas pa ang bilang ng mga dinadapuan ng sakit at wala pa sa peak.

Umaasa naman si Dr. David na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso sa Metro Manila at Iloilo.