-- Advertisements --

Pumalo na sa 1,203 ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lungsod ng Maynila, batay sa data na inilabas ng public information office nito.

Ayon sa Manila PIO, mula sa naturang total ay may 787 na active cases.

Ang bilang naman ng mga gumaling ay nasa 321, habang ang total deaths ay 95.

Naitala ang pinakamaraming kaso sa distrito ng Tondo 1 na may 225 cases. Sumunod naman ang Sampaloc na may 110 cases.

Pinakamababang bilang naman ng kumpirmado ang naitala sa Intramuros na may dalawa lang.

Una nang sinabi ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna na posibleng tumaas pa ang bilang ng COVID-19 cases dahil mas marami nang test ang ginagawa sa lungsod.

Sinimulan na ng city government ang pagkuha ng swab test sa mga lugar kung saan may naitatalang positibo.

May itinatayo na rin daw na COVID-19 testing laboratory sa Sta. Ana Hospital, na inaasahang makakagawa ng 200 swab tests kada araw.

Batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health, 8,868 ng mga kaso ang mula sa National Capital Region.

Nasa 13,777 na ang total cases ng sakit sa bansa.