Umakat na sa halos 1,500 ang active COVID-19 cases sa Markina City, pinakamataas magmula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang tayon, ayon kay Mayor Marcelino Teodoro.
Ayon kay Teodoro, 1,486 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang ngayong araw, Marso 26.
Noong Enero 2021, sinabi ni Teodoro na aabot lamang sa 112 ang COVID-19 cases sa lungsod.
Subalit nang sumapit ang buwan ng Marso, umakyat ang bilang ng mga COVID-19 cases sa 277 at kalaunan ay halos 1,500 na nga.
Sinabi ng alkalde na sila ay “overwhelmed” at “struggling” na sa pagsasagawa ng “aggressive” at “proactive” contact tracing at isolation.
Gayunman, tiniyak nito na sapat ang mga nakaplanong hakbang ng pamahalaan lungsod para ma-control ang pagkalat ng virus.
Nabatid na kahapon halos 100,000 na ang active COVID-19 cases sa Pilipinas.