-- Advertisements --
Umakyat na sa 18 ang bilang ng empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales ang isang panibagong kaso ay naka-assign sa Bills and Index Service.
Sinabi ni Montales na mula Hunyo 18 ay naka-work from home ang naturang empleyado, pero pumunta ito sa kanilang opisina noong Hunyo 29 para magsumite ng mga dokumento.
Ito na ang ikalawang kaso ng COVID-19 na naitatala sa Kamara nitong linggo matapos na i-anunsyo ni Montales kahapon, Hulyo 20, na isa ring empleyado ang nagpositibo sa sakit.