Nadagdagan pa ng 422 ang bilang ng mga healthcare workers sa Pilipinas ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health.
Nakasaad sa daily situational report ng ahensya na pumalo na sa 7,354 ang kabuuang bilang ng medical frontliners na nagkasakit ng COVID-19 as of September 5.
Mula sa nasabing total, mayroon nang 6,616 na gumaling dahil sa 468 additional recoveries. Nananatili naman sa 40 ang total deaths ng sektor.
Samantala, may 689 pang nagpapagaling na COVID-19 confirmed cases na iba pang healthcare workers.
Pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 ay ang grupo ng mga nurse na aabot sa 2,572. Sumunod ang mga doktor na 1,496 cases; nursing assistants na nasa 526; medical technologists na may 339 cases; at midwives na may 163 cases.
Ang natitirang bilang naman ay binubuo ng non-medical personnel tulad ng mga utility workers at administrative staff.