-- Advertisements --

CEBU CITY – Pumalo na sa 25 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH)-VII, natukoy na nangunguna sa listahan ang Cebu City na may 18 confirmed cases, na sinundan ng Lapu-Lapu City na may dalawang kaso, at isang kaso naman sa Mandaue City.

Dalawa naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa Negros Oriental at mag tig-iisang confirmed case pa sa probinsya ng Bohol at Cebu.

Sa ngayon, apat na ang bilang ng mga naitalang patay at isa naman gumaling sa COCID-19 sa buong Central Visayas. 

Samantala, nailabas na ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) kahapon ang 43 na test results mula sa kanilang sub-national laboratory kung saan tatlo dito ang nagpositibo.

Nasa stable na kalagayan ang naturang pasyente at kasalukuyan itong nagpapagaling.

Payo ngayon ni DOH-7 sa publiko na manatiling kalmado at sumunod sa ipinatupad na precautionary measures mula sa mga local authorities.