Nananatili ang Cebu City bilang may pinak-maraming kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 152 na mga bagong tinamaan ng sakit.
Batay sa bagong data na inilabas ng Cebu City Health Department, umakyat na sa 6,142 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.
Ang recoveries naman ng siyudad ay nadagdagan ng 90, kaya nasa 3,233 na ang kanilang total recoveries.
Pero may isang nadagdag sa mga namatay, na nagpaakyat sa total death toll na ngayon ay 221 na.
Mula sa total ng COVID-19 cases sa Cebu City, may active o nagpapagaling pa na nasa 2,688.
Sa ngayon pangalawa na lang ang Quezon City sa may pinakaraming kaso ng COVID-19 sa buong bansa na nasa 3,707.
Nitong hapon nang i-report ng DOH Central Office na sumampa na sa 44,254 ang total number ng confirmed COVID-19 cases sa buong Pilipinas.